The advantage of being a freak is that it makes you stronger. Yabs.Weird.Nerd.Wolf.Enigmatic A Civil Engineering student from Bulacan State University. Masama akong tao. Palabati pero malimit makuhanan na nakangiti, Pinopost ko kung ano yung gusto at hindi ko gusto. Kung yung iba nagsusulat para makapagpaalala. Ako, nagsusulat para makalimot. I'm surreal when it comes to optimism.

 

Hello ako nga pala si Alex, at ito ang mga istorya ng nakatagong buhay ko.

Flag ceremony naming noon ng makita ko ang taong nagparamdam sa akin ng kilig. Oo bata pa lang ako nun mga 10 years old nasa ikatlong baitang at nag-aaral sa isang All Boys school. “Mark, sino yun?” “Ah iyon ba si Luigi yan, tiga kabilang section balita ko yan daw ang makakalaban mo sa sa darating na Quiz bee eh.” “Ah ganun ba? Sige salamat Bestfriend ah.”

Si Mark nga pala ang bestfriend ko simula kinder. Miyembro  siya ng Taekwando Team ng school naming at laging representative ng School namin sa Inter school competition at recently  nanalo ng Gold Medal sa Milo Olympics para sa larangan ng Taekwando. Proud na proud ako sa bestfriend ko na yan. Hindi kami mapaghiwalay noon at lagi pa akong pinagbabaon ng Mama niya. Kinder pa lang kasi kami kumportable na kami sa isa’t-isa at lagi kaming seatmates niyan magkasunod lang kasi ang mga apelyido naming eh. Maski nung naging magkaiba kami ng section nung grade 1 at grade 2 eh hindi nawala ang pagkakaibigan naming sa tuwing break nagkikita kami niyan sa playground para ibigay niya yung pabaon sa akin ni Tita o di kaya sa library para turuan ko siya. Kapag nga may nang-aaway sakin yan ang nagtatanggol sa akin eh. At ako naman ang tumutulong sa kanya pagdating sa Academics dahil kasi sa Taekwando medyo nahuhuli siya sa pag-aaral hati kasi lagi ang oras niya at araw-araw pang nagttraining. Kaya dahil doon mas nagging close pa kami. Pero hanggang kaibigan lang talaga turing ko sa kanya. Maski nung may niligawan akong babaeng classmate naming at binasted ako siya lang nakaalam nun. Pano ba naman siya at nag-udyok sakin na ligawa yun kahit labag sa loob ko. Ayon pala siya ang may gusto doon sa babae ginawa pakong tester. Pero ayos lang magkaibigan kami eh.

Balik tayo kay Luigi. “Hmmm siya pala ang makakalaban ko sa Quiz bee makilala nga.” “Hello I’m Alex, Ikaw ba si Luigi?” “Oo ako nga. Bakit?” Mahiyang sagot niya. Sobrang mahiyain naman pala neto. Nakayuko lang siya habang kausap ko. Pero kahit ganun ang natutuwa parin ako sa kanya. “Ah… Wala naman. Balita ko ikaw yung representative ng kabilang section para sa Quiz Bee, Akala ko nga si Joy yung kalaban ko eh lagi na lang kasi iyon yung nananalo eh. New student ka ba?” “Oo kakalipat ko lang ngayong Grade 3. Napilitan nga lang ako sa Quiz Bee eh. Sabi kasi ni Mommy pumayag na daw ako. Ayoko naman kasi talaga sa mga ganung bagay.” “Bakit naman?” “Mas gusto kong hindi ako napapansin ng mga tao mas maganda iyon kesa sa laging ikaw ang nakikita nila.” “Paano namang hindi ka nila mapapansin eh……hindi ko masabi sa kanya na bukod sa matalino siya eh may istura pa….. ang tangkad mo kaya.” Bigla na lang natawa si Luigi. At ako din ay nakisama na sa kanya. “Ewan ko sa’yo Alex. Bumalik ka na sa pila mo.” “Kilala mo ako?” “Oo ikaw si Alex De Guzman ng Grade 3 Section Jordan na laging representative ng school sa Declamation Contest.” “Paano mo nalaman yan?” ”Nakalaban na kita last year sa Inter School Competition kung saan ni recite mo ang Gabu ni Carlos A. Angeles.” “Wow ang galing mo ah. Naalala mo pa yun? Hahahaha. Anyway nice meeting you Luigi. Friends?” Sabay abot ng kamay sa akin. “Nice meeting you too Alex, Friends.”  

griffinryder:

Allicat for Bench.
Beautiful as always. Think I’ll spazz when I see this up close in the stores. 

griffinryder:

Allicat for Bench.

Beautiful as always. Think I’ll spazz when I see this up close in the stores.